Students' Great Minds

This is a Blogger Site for all the students of Dr. Nimfa D. De Vera, whose lives she was able to touch and transform. It is in this site that her students will reveal their GREAT MINDS!

Thursday, January 19, 2006

ABORSYON: Sang-ayon ka ba o Di-sang-ayon?

Sa aking mga mag-aaral sa RETORIKA 3:00 TH: Dito mo ipakita ang galing mo sa pangangatwiran. Isulat mo ang iyong mga katwiran at mga ebidensiya ayon sa napili mong panigan sa proposisyon. Pagbutihan mo dahil isa ito sa isasama natin sa Kreaytibong markahan. May tiwala ako sa iyong kakayahan. Paulinian ka, pagbutihan mo. Pilipina ka, ipagmalaki mo! Dr. Nimfa D. De Vera

40 Comments:

At 1:24 AM, Blogger darlene said...

Ang aborsyon ay isa sa mga mahahalagang isyu na dapat bigyang pansin. Dapat ba ito o hindi? Isa ako sa mga taong hindi sumasang-ayon sa aborsyon. Hindi ko ito sinang-ayunan dahil para sa akin ito ay isang hindi mabuting gawaain, at lalong-lalo ng hindi ito solusyon sa mga problema tulad ng populasyon at pagkalimot sa taong nakasama sa atin. Naniniwala ako na ang ating buhay ay bigay ng Diyos, at siya lamang ang may karapatang kumuha nito sa atin. Ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay walang kapantay, kaya’t dapat ay ganun din ang ating gawin sa ating kapwa at hindi ang pagpatay sa batang inosente. Para sa mga nagdalangtao sa pamamagitan ng hindi magandang paraan ay hindi din dapat magpa-aborsyon dahil hindi natin alam ang plano ng Diyos sa atin, alam ng Diyos ang kanyang ginagawa. Ako ay hind sumasang-ayon sa aborsyon dahil isang uri ito ng pagpatay. Dahil sa aborsyon marami din na mga nanay ang namamatay dahil sa komplikasyon kapag sila’y nagpapaaborsyon. Mayroon namang iba nagkakaroon ng impeksyon at permanenteng sakit sa kanilang katawan. Ang aborsyon ay may sikolohikal din na epekto ayon sa pag-aaral ni David C. Reardon. Ang mga magulang na nagpa-aborsyon ay nakadaramdam ng depresyon, ang iba naman ay binabangungot. Para sa iba, ang aborsyon ay dapat gawing legal, ngunit hindi nila naiisip na maaari nga itong maging legal dahil iyon ang gusto ng tao ngunit hindi nila naiintindihan na ito ay hindi nakabubuti o ligtas at sa mata ng Diyos ito’y isang uri ng pagpatay. Ang aborsyon ay hindi dapat gawin legal. Dapat itong itigil dahil sa mga masasamang epekto nito na naidudulot sa atin.
>>Darlene Ong<<
>1 BS Psychology<

 
At 4:23 AM, Blogger jay anne villanueva said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 
At 4:27 AM, Blogger jay anne villanueva said...

Ako ay hindi sang-ayon sa pagpapalaganap ng aborsyon. Sapagkat para sa akin, ito ay isang krimen. Ang aborsyon ay pagpatay ng bata sa sinapupunan ng kanyang ina. Kahit ano pa ang sabihin natin, ang batang ito ay nilikha ng Diyos. Kahit pa sabihin natin na ang batang iyon ay bunga ng kasalanan (hal. rape), walang alam ang batang ito na siya ay galing sa masama, at isa pa, hindi niya ito kasalanan. Marami ding paraan upang makontrol ang ating populasyon. Gaya ngayon, tayo ay nasa makabagong teknolohiya na, kaya marami ng alternatibong paraan upang mapigilan ang paglaki ng ating populasyon. Ang ating bansa ay binubuo ng malaking bilang ng mga katoliko. At dahil tayo ay nananampalataya na ang buhay ay mula sa Diyos, dapat lamang na ito ay bigyang halaga. Ang aborsyon ay gawain krimen sapagkat ito ay pagpatay. Alam din natin na isa sa sampung utos ng Diyos ang huwag pumatay, kaya marapat lamang na huwag pairalin ang aborsyon. Ang aborsyon ay gawain ng mga taong walang takot sa Diyos at walang relasyon sa Diyos. At ang aborsyon ay kasalanang walang kapatawaran at tanging Diyos lamang ang makakapaghatol. Kaya dapat nating mahalin ang buhay dahil ito ay biyaya ng Diyos.

Jay Anne Villanueva
2-psychology

 
At 4:53 AM, Blogger gail clave said...

para sa akin ang aborsyon ay isang malaking krimen..sapagkat pumaslang ka ng isang batang walang kamuhang-muhang. lalo pa at sarili mong dugo at laman.parang pinagkaitan mo ang isang sanggol na makita ang mundo.hindi mo ba naisip na baka may plano ang diyos sayo para magbago..halimbawa na lamang ay ang ilan sa aking kakilala na nabuntis sa murang edad nung una ay gusto nila itong ipalaglag dahil naisip nila na isa itong problema, ngunit nang napagisip- isip nila na ito ay sarili nilang dugo at laman kaya ngayon masaya sila kasama ang munting anghel nila na nag pabago sa tkbo ng buhay nila naging responsable n sila..diba? hindi solusyon ang aborosyon ito ay kagustuhan ng diyos dahil mayroon syang mas magandang plano para sa iyo.


kathleen gail clave
2 psych

 
At 5:33 PM, Blogger Clara Sorneo said...

Ang aborsyon ay masasabing isa sa pinakamalaking isyu sa ating bansa. Marahil marami sa atin ang hindi sumasangayon sa isyung ito dahil sa kanikanilang rason. Kung ako ang tatanungin sumasangayon ako dito. Oo masasabi nga natin na hindi ito magandang gawain dahil iyo'y isang simpleng paraan ng pagkitil ng buhay, ngunit paano kung ang nasabingit ng kamatayaan ay ang taong nagdadalang tao at kailangang dumaan sa ganitong proseso??? Dapat bang ibuwis ang dalawang buhay o piliin na lng ang buhay ng nagdadala??? Hindi naman dahil ang aborsyon ay pagkitil ng buhay ay masasabi na nating hindi maganda, dahil ito'y tulong din naman sa atin lalong lalo na kung pag dating sa prosesong pang medikal at pangkalusugan. Ang isang napakagandang halimbawa nga nito ay kung ang isang nagdadalang tao ay nangangailangan dumaan sa agarang aborsyon upang maisalba ang buhay sa isa sa kanila ng kanyang ipinagbubuntis at ang sariling buhay. Nasabi ko iyon dahil kung ang bata ay namatay sa sinapupunan ng ina maaari itong magdulot ng pagkalason ng dugo ng kanyang ina at mauwi din ito sa kanyang kamatayan. Hindi ba pagkitil din iyon ng buhay pagdating sa katayuan ng nanay???

Clara Sorneo
2 psych

 
At 6:26 PM, Blogger diana gaboy said...

isa sa pinakamalaking problema ng ating bansa ay ang aborsyon..sa kalagayan ng ating bansa ngayon..isa ako sa sumasangayon, hindi dhil sa gusto kong kumitil ng buhay ng bata na walang kamuwang muwang, kundi para sa ikabubuti ng lahat lalo na ang bata..masasabi kong, mas magiging mabuti ang buhay ng bata kung paglabas nya ay kumpleto ang kanyang magulang..isa rin sa mga dhilan kung bakit ngiging miserable ng buhay ng bata ay dhil sa kapabayaan ng mgulang, sanhi nito ang maagang pakikipagtalik o pagaasawa,sa ganitong sitawasyon, dahil nga sa mga bata o minordeedad pa ang kanilang mga magulang, hindi pa sila handa sa malaking responsibilad, at kapag hindi pa sila handa, paano na ang bata? paano nila bubuhayin? para sa akin ayokong sumbatan ako at sisihin ako ng anak sa aking maling ginawa..
sang ayon ako dhil alam kong yong ang makakabuti sa lahat at sa bata, dhil kpag ako ngkaroon ng anak gusto ko ibigay sa knya ang lahat ng nararapat para sa knya...

 
At 7:02 PM, Blogger jerldan said...

Sa bawat paglipas ng panahon,naging malaking suliranin na ang Aborsyon sa ating lipunan. Marami ng mga kababaihan ang mas pinipiling sumailalim sa ganitong paraan kaysa ang buhayin at lingapin ang nasa sinapupunan nila. Marahil sa napakaraming kadahilanan at madalas dito ang kahirapan at kahandaan ng isang babae at lalaki na magsama. Kung ating susuriin, iisipin nating hindi makatarungan ang kanilang ginagawa at nakabababng moral bilang isang tao. Marahil nakararanas din sila ng paghusga sa ibang tao at paninira sa kanilang pagkatao.mahirap nga naman isipin na tama ang pagsasagawa ng aborsyon bilang isang babae na binigyang ng pagkakataon maging ina na nagbibigay buhay sa halip ay iyong pinapatay.Sang-ayon nga ba ako o hindi?
Bilang isang mag-aaral at nagsaliksik sa dalawang panig ng aborsyon masasabing mahirap nga husgahan ang mga sumasailalim at hindi sa Aborsyon.Parehong panig ay may punto o paliwang na kanilang pinaniniwalan na kung ibabase sa kanilang mga datos at sinasabe ay kakikitaan ng liwanag sa panig na kanilang itinatayo.
Para sa mga sang-ayon sinasabing ito ay regalo na binuhay sa katawan ng isang ina. Binibigyang diin din nila na sa maling panahon man,may karapatan pa din bigyan ng buhay angisang nabuo na sa loob ng bahay-bata. Higit na nagpatibay dito ay ang walng sinuman ang may karapatang kumitil ng isang buhay sapagkat ito'y sa Diyos nagmula at siya lamang ang may karapatang bumawi.
Para naman sa hindi sang-ayon,sinasabi nilang ang nasa sinapupunan ay bahagi pa lamang ng isang tao at ito'y hindi pa pinaniniwalaang may buhay na. Binibigyang diin din nila ang karapatan ng isang may katawan tulad ng babae,ang pagpilit sa pagbuhay nito na hindi nya kagustuhan ay masasabing pagkuha sa kanyang karapatan at buahay.At ang tanung na "Anung pipiliin mo: ang bumuhay ngunit ipamimigay na parang binawian mo na din ng buhay na ipararamdam mo habang buhay o ang pagkitil sa sandaling oras upng mapagpahinga mo na at hindi maiparanas ang kalupitan ng buhay?"
Napakaraming mga dahilan at paniniwala,ngunit tanging sarili lamang natin ang magdedisisyon kung saan panig tayo.Bilang isang mag-aaral at babae makatarungan pa din ang hindi pagsasagawa nito dahil unang-una kung pinili mong makipagtalik ng walang iniisip nararapat lamang na kunin mo ng buong buo ang responsibilidad na kaakibat nito. Lalo na't bilang tao alam natin ang mangyayari sa ganitong pagkakataon,nagiging mahina lamang tayo kapag dumating na. Masasabi kong sa buhay, dapat maging maingat at huwag na hintayin pa na kailangan natin pumili o gumawa ng ganung desisyon. Mas makabubuting maging matatag sa ating mga nararamdaman. dahil mas mahirap pumili ng "pumatay o bumuhay" kaysa mag-isip sa mga dapat ihanda o gawin bilang isang babae at lalaki.Para sa mga sang-ayon moral bilang tao lamang ang kanilang itinatayo at paniniwala at para sa hindi naman tanging 'buhay' ang kanila din pinahahalagahan. Bilang isang malaya,nasa sa iyo na ang desisyon at paniniwala ngunit walang sinuman ang may karapatang humusga. Tao lamang tayo na may kanya kanyang paniniwala ngunit ating isipin na ang kalayaan at karapatan ay para sa tama at makatarungan gawin sana nating makabuluhan ang bawat hakbang sa ating buhay.

-jerldan Garcia-
-2 Psychology-

 
At 7:42 PM, Blogger maryred said...

Kapag ang isang babae ay nagahasa at hindi gustong na magkaroon ng bunga ang kahalayang sinapit sila’y napipilitang mag- punta sa mga albularyo. Ang mga taong ito ay nag- bibigay panganib sa babae sa pamamagitan ng delikadong pamamaraan, sapagkat sila’y hindi lisensyado na ang ibig sabihin ay walang masyadong kaalaman sa Siyensya ng panggagamot. Para lamang malaglag ang bata kahit illegal at malaking kasalanan sa Dyos ang sariling buhay ay isususgal. Kahit ito ay pinagbabawal patuloy parin ang ganitong gawain dito sa ating bansa, marahil kung ito ay gagawing legal maaring masubaybayan ang mga ganitong gawain at tataas ang porsyento ng kanilang kaligtasan.

Kung ito naman ay itutuloy niya, pareho lamang silang mahihirapan ng bata sa kadahilanan hindi nila ito ginusto. Kadalasan din ang mga babae ay tumitigil sa pagaaral para sakanyang pagbubuntis na simula ng pagkasira ng kanyang mga pangarap dahil mapipilitan na syang magkaroon ng responsibilidad na maaaring ina at ama sa murang edad. Magiging kaawa- awa tulo’y ang mga babaeng ito wala pang sapat na kaalamanan sa buhay. Isang napaka- hirap na gampanin sapagkat sa halip na pag- aaral at pag- paplano sa kanyang magiging kinabukasan ay kinabukasan n ng kanyang magiging anak ang kanyang pag- aaralan at pag- paplanuhan. Ang pangunahing tungkulin ng isang magulang ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kainlang magiging anak, subalit dahil sa sapilitang pagbuo sa buhay na hindi nila napag- planuhan hindi ito nasasakatuparan

Samantalang kung mapapahihintulutan ang pagpapalaglag, ang kaligtasan ng kanyang buhay ay sigurado na. Dahil sa batas na “anti-abortion” na ang mga Babae ay umiiwas na pumunta sa mga Ospital dahil sa takot na sila’y mahuli. Na nag- dudulot ng depresyon, dahil sa kahirapan na dinararanas sa murang edad, nawawalan na ng kumpiyansa sa sarili ang magiging ina sa sinapit. Sa dami ng iniisip pati ang batang nasa loob ng sinapupunan ay naapektuhan sa nararamdaman ng kanyang ina. Dito kadalasang humahantong sa pagpapatiwakal, na mas lalong nag- duddulot ng malaking problema.

Pumapabor ako sa aborsyon sapagkat tinitignan ko ang mas lalong mag- papakabuti sa dalawang buhay na naka- salalay dito.


Gripo, Mary Red
II-Psychology

 
At 8:09 PM, Blogger marjorie said...

Sa panahon ngayon, maraming kinakaharap na problema ang ating bansa. Isa sa pinagtatalunan ngayon ng maraming pilipino ay ang aborsyon.Nahahati ang mga opinyon ng mga pilipino tungkol sa isyu ng aborsyon, maraming tumututol at mayroon din namang sumasang-ayon."Dapat ba O hindi dapat ipatupad ang aborsyon?" Ako, ayon sa aking mga nababasa at nalalaman, isang malaking kasalanan ang pagsasagawa ng aborsyon, dahil ito ay ang pagkitil ng isang buhay sa loob ng sinapupunan ng isang babae. Wala tayong karapatan na abusuhin ang ating katawan,at dapat rin nating alalahanin na ito'y handog at regalo galing sa ating lumikha kaya marapat lamang na igalang natin ito at pag-ingatan. Ang katawan ng tao ay templo ng Diyos na dapat igalang. Para sa akin hindi solusyon ang aborsyon sa lumalaking populasyon ng ating bansa at lalong hindi ito ang solusyon sa pagkakamaling nagawa ng mga kabataang nakalimot at minsang nagkamali, dahil hindi kailan man maitutuwid ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Hindi dapat maging makasarili at isipin ang sariling kapakanan, kung may naging bunga ang kamaliang nagawa dapat itong panindigan at tingnan ang positibong maidudulot nito at huwag alalahanin ang gastusin, dahil mas mahalaga sa kahit anong bagay ang buhay ng isang bata, kung may nagawa mang pagkakamali pilitin at sikaping ituwid ito sa mabuting paraan.At upang mabigyan ng magandang bukas ang bata dapat rin magsumikap sa buhay. -

marjorie Pangilinan
II-psych

 
At 8:55 PM, Blogger lorilier said...

Ang aborsyon ay pagpatay sa isang tao. Sabihin man nating ito ay isang fetus pa lamang na nagsisimula pa lamang mabuo, ito pa rin ay tao. Ayon sa sampung kautusan ng Diyos "huwag papatay". Tayo ay ginawa ng Diyos dahil tayo ay may iba't ibang misyon na dapat gawin sa mundo.
Bilang nilalang ng Diyos, ako ay hindi sumasang-ayon sa pag-aagas. Halimbawang ang isang babae ay nabuntis dahil sa rape. Ang krimen ay ang rape at hindi ang pagbubuntis ng dahil dito. Walang kasalanan ang bata kung siya ay nabuo dahil dito. Sabi nga nila, "marahil ay may dahilan ang Diyos kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito". Ang masamang karanasan ng rape ay nagdulot ng isang anghel sa sinapupunan ng biktima.
Isa pang halimbawa ay ang pagbubuntis ng walang sapat na pangbuhay sa bata. Ito ay hindi dahilan upang pumatay. Dapat nalalaman natin ang responsibilidad ng bawat isa sa ginawa nating aksyon. Isipin din natin kung ipinalaglag tayo ng ating ina. Hindi tayo nabigyan ng tsansang mabuhay at gawing ang ating misyon. Ang aborsyon ay pagtakas sa responsibilidad na ikaw ang gumawa at ibinigay ng Diyos.
Mayroong mga mag-asawa na gustong-gusto magkaanak ngunit sa pisikal na mga kadahilanan hindi ito maibigay sa kanila. Iba't ibang paraan pa ang kanilang sinasaliksik para lamang mabigyan ng anak. Ang iba ay nag-aampon pa. Isipin nating ang lahat ng bagay na ibinibigay ng Diyos ay may dahilan, nasa atin na lamang kung paano natin ito pahahalahagan. Nalalaman kong ang mga sumasang-ayon dito ay may dahilan kung bakit nila ito tinatanggap pero ilagay natin sa ating puso ang Diyos, at magdasal upang mabigyan tayo ng linaw sa ating gagawing aksyon. Ang idudulot ng sanggol na iyong papatayin ay hindi natin nalalaman. Maaaring ito ang makapagbibigay at makapagbabago sa mundo at mundo mo.

Lorilie Refuerzo
2-Psychology

 
At 9:45 PM, Blogger Marianne said...

Maraming tao ang nagiisip ng mabuti tungkol sa isyu ng aborsyon. Ang argumento na ipiniprisenta ng pagsang-ayon sa buhay o "pro-life" ay ang bawat bata na bubuhayin ay ginusto at kailangan alagaan, at bawat batang ipinagbubuntis ng kanyang ina ay kailangan mabuhay. Samantalang, sa kabilang panig naman ay ang "pro-abortion" o tuwirang karapatan ng mga kababaihan na magdesisyon para sa kanilang sarili; kung ang batang nasa kanilang sinapupunan ay gusto o hindi ba nila ito gutong buhayin.

Ang batang nasa sinapupunan ng kaniyang ina ay kanyang pagmamayari at nasa kanyang sariling pangangatawan at ang buhay ay hindi nagsisimula hanggat ang bata ay hindi pa nailuluwal sa mundong ibabaw.

Ang pansariling karapatan ng mga kababaihan at sariling kabuuang kalayaan ay nagbibigay pahintulot sa mga kababaihan na magdesisiyon para sa kanilang sarili kung nais ba nilang ilaglag o ituloy ang kanilang pagbubuntis.

Ang karapatan sa pagpili ng aborsyon ay personal at napaka-halaga sa buhay ng kababaihan; Na kung wala ang karapatan na ito sa pagpili at pagdedesisiyon ay hindi tuwirang naisaisagawa at natutupad ang iba pang pundamental na karapatan at kalayaan na tiyak na nararapat lamang nilang matamo.

Sa ganitong sitwasyon, ang estado ay walang direktong karapatan at hindi maaring makialam o sumalungat sa bawat pribadong buhay ng mamamayan sa kaniyang bansa.

Sa pagkakaroon ng karapatan ng pagpili ng aborsyon, ang mga kababaihan ay maaaring makapag-saya at magawa ang kanilang plano sa buhay ng kanilang buong kagustuhan at pagdedesisyon; Ang kapangyarihan ng bawat nilalang na gamitin ang lakas at impluwensiya ng kanilang isip at pangangatawan.

Kagaya na lamang ng mga kalalakihan, mayroon silang karapatan na mamili at gustuhin ang mga bagay-bagay sa kanilang buhay. Ang mga lalaki ay maaaring umayaw o umalis sa isang relasyon ng kasing dali at bilis ng kanilang pagdedesisyon na iwanan ang babae sa madaling panahon na malaman nito ang tungkol sa isang pinagdadalantao. Walang animo tanung-tanong o kinalaman ang mga ito ukol sa naganap na pangyayari. Pinili nila ang ganitong desisyon. Ginawa niya ang kanyang gusto. Maaari lamang natin sabihin na patas o parehas ang pinaglalabanang karapatan kung ang mga kababaihan ay maaari rin bigyan ng parehas at kaayon na pagdedesisyon.

Kung ang isang babae ay ayaw humawak ng responsibilidad at akuin ang kanyang tungkulin bilang isang ina at humarap sa isang pananagutan, samakatuwid, naaayon sa kanya ang aborsyon; ang pagdedesisiyon sa pagpili ng aborsyon bilang isang pagpipiliang opsyon. Hindi lahat ng "contaceptives" o gamot sa pagapapalaglag o mga alternatibong paraan ng hindi pagbubuntis ay epektibo at sigurado. Hindi sa lahat ng oras ito ay nasa kamay o pwedeng gamitin. (availability of the object)

Ang aborsyon ay kinakailangan sa mga kababaihan na alam at may kakayahang malaman kung gusto at kailan magbubuntis o ipalalaglag ang isang bata. (whether and when to "bear or beget a child")

Ang pagkakaroon ng aborsyon ay hindi lamang posible upang magkaroon ng sapat na karapatan sa pagpili ng dami ng numero ng anak na gusto sa isang pamilya kundi, ang pagbuo ng uri at klase ng pamilya na kanilang ginusto sa kanilang mga sarili kasabay ng pagkamit ng kanilang mga responsibilidad.

Kung ang isang babae ay hindi makapili o makpagdesisyon sa kanyang sarili na hindi ituloy o ipalaglag ang kaniyang dindala na hindi naman niya ginusto o ayaw nitong buhayin, Siya mismo ay maitatanggi at maitatatwa sa pansariling karapatan sa “posesyon at control” ng kaniyang sariling pangangatawan.

Isa sa pinakasagradong karapatan ng isng batas ay ang PAGPILI, at kung ang isang babae ay hindi ito kayang gawin, kung gayon, ang pinaka-importanteng posesyon ay inaalis at pinawawalang halaga.

Ang ABORSYON ay hindi lamang pangkababaihang KARAPATAN, ito ay karapatan ng mga kababaihang PUMILI.

Lara, Marianne V.
2-Psychology - ECE

 
At 1:32 AM, Blogger jobelle bunoy said...

Ako ay hindi sang-ayon at kailanma’y hindi sasang-ayon sa isyung gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas.

Ang proposisyong gawing legal ang aborsyon ay maaring maging solusyon sa problemang pangkabuhayan ngunit ito rin marahil ang magbibigay karapatan sa mga magulang na maging iresponsable sa kanilang gawa. Hindi ito nararapat na gawing legal sapagkat ang mga inosenteng sanggol ay biyaya sa atin ng poong Maykapal. Karapatan nila na maranasan ang masaganang buhay na sa ati’y ipinahiram ng Diyos.

Mangyari pa, ang aborsyon ay nagdudulot ng iba’t ibang pisikal at sikolohikal na epekto sa mga babaeng nagpapa-abort. Sa pisikal na aspeto, ang kababaihan ay maaring makaranas ng pagdudugo na maaari nitong ikamatay. Maaari rin itong magdulot ng matinding lagnat na ,kapag hindi naagapan, ay maaaring humantong sa “renal failure”. Magdudulot rin ito ng matinding pananakit, pagkawala ng gana, insomnia, pagbaba ng timbang, “ectopic pregnancy” at “menstrual disturbances”. Sa aspetong sikolohikal, maaari silang makaranas ng pagkakonsensya, pagkawala ng kumpiyansa sa sarili, pagtanim ng galit, at pagpapakamatay. Samakatwid, hindi lamang ang buhay ng walang kamuwa muwang na sanggol ang damay ngunit pati na rin ang buhay at kalusugan ng mga kababaihan.

Noong nakaraang sabado, ika-21 ng Enero taong 2006, ipinalabas ng programang Imbestigador ang walang awang pagkitil sa buhay ng mga sanggol. Dahil dito, dinakip at naparusahan ang manghihilot na sangkot sa pag-aabort. Ayon sa pahayag ng isang doktor, talagang mapanganib ang aborsyon sa kalusugan ng taong nagpapalaglag.

Sa mga kaso naman ng panggagahasa, hindi ako sang-ayon sa solusyong aborsyon. Oo nga’t ang batang bunga ng kahalayang ito ang sanhi ng kanyang mga kabiguan, hindi tama na ipagkait sa bata ang karapatang mabuhay. Ika nga nila, hindi kailanman maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.

Nawa’y magsilbi itong gabay sa ating lahat lalo na ngayo’t mapupusok na ang mga kabataan. Sana’y maging ehemplo tayo ng magagandang asal sa ating mga magiging anak.


Jobelle Bunoy
BS Psych 2

 
At 1:35 AM, Blogger gaily magan said...

Ang Aborsyon sa ating panahon ngayon ay isa sa napakahalagang isyu na dapat pagtuunan ng pansin hindi lamang ng mga mamamayan kundi pati narin ng pamahalaan. Hindi nman marahil alintana sa panahon ngayon na sadyang marami ng kabataan ang napasasailalim sa aborsyon. Ang tanong, pabor nga ba tayo o hindi sa ganitong uri ng proseso?kung ako ay tatanyngin marahil ay isa itong masamang gawain sa paningin hindi lamang ng simbahan pati narin ng ibang tao ngunit kung ating lalawakan ng kaunti ang ating mga pagiisip ating mapapagtanto na ang ganitomng klase ng gawain ay dapat gawing legal. Bakit? unang una tayo ay may kanya kanyang karapatan sa ating buhay at desisyon para sa ating mga sarili. Kung sasabihin ng simbahan na ito ay masama, paano na lamang ang ating karapatan sa ating pribadong buhay? Ang paggamit ng mga "contraceptives" ay isang uri nito, ngunit bakit pabor ang simbahan dito? sinasabi rin na ito ay isang uri ng pagpatay, kung ating iisipin ng maayos, ito ay hindi tao, ngunit isang namuong dugo lamang,nasusulat sa batas na ang pagbubuntis ng babae ay nasa kanyang desisiyon kung itutuloy o hindi sa unang tatlong buwan nito. Kung kaya ba o hindi ng katawan ng babae. sa susunod na anim na buwan naman ay nasa desisyon ng kayang pribadong tagapagtinin o doktor. (Church and State law and relations in the Philippines pp.79-80)Isang punto na aking nais bigyan pansin ay ang karapatan ng babae kung halimbawang siya ay nagahasa o napagsamantalahan, hindi ab't mas kasalanan angb ipagpatuloy nag pagbubuntis ngunit hindi bukal ang iyong kaluoban? at darating ang panahon na pababayaan na lamang ang bata? Ang proseso ng aborsyon ay isa ring daan upang masiguro na ang mga ipinapanganak ay mga batang bukal sa kalooban ng mga magulang ang pagpaplaki sa kanila,at isa rin itong daan upang gisingin mng mga kalalakihan na hiondi lamang taag gawa ng bata ang p[apel ng mga kababaihan. DAhil sa hindi pagparag sa aborsyon nagkakaroon ng malaking diskriminasyon sa sistema ng ating buhay.
Tayo ay babae, may karapatan at may sariling kagustuhan. Ang pagtaya sa sariling kagustuhan ay hindi maganda lalu na kung ito ay nagiging daan sa pagapak sa ating pagkatao. ANg pagdesisyon ng hindi pagtanggap ng responsibilidad sa paganak ay hindi kasalanan nino man. Siya lamang ay dumadaan sa puspusang pagiisip at pagalala sa mga bagay na maaring kaharapin na siyang mas lalong makakpagpabigat sa kanyang kalooban.

 
At 3:47 AM, Blogger may domingo 2-psych said...

Isa sa pinakamalaking isyu na kinasasangkutan ng bansa ay ang aborsyon.Habang tumatagal nadaragdagan ang bilang ng mga sanggol na namamatay dahil sa aborsyon.Para itong sakit na mahirap gamutin kung saan ang mga biktma ay ang mga sanggol na walang muwang.Kung kaya't hindi ako sumasang-ayon sa aborsyon ito ay labag sa batas ng tao at ng diyos kung kaya't dapat ng itigil ang ganitong gawain.Isa itong pagpigil sa karapatan ng tao na mabuhay lalo nat ang tinatanggalaan ng karatan dito ay mga sanggol na dapat sana ay biyaya ng panginoon.Sinabi ni hesus na"humayo kayo't magpakarami"kung kaya't dapat ng pigilin ang ganitong mga gawain.Diyos ang nagbigay sa atin ng buhay kung kaya't siya lamang ang may karapatan na kumuha o bumawi ng ating buhay lahat tayo ay may karapatang mabuhay ng normal,masagana at marangya.Ang mga taong walang paninindigan sa kanilang sarili at hindi responsable ay hindi dapat pumapasok sa mga bagay na hindi nila kayang resolbahan o ayusin gaya ng "pre-marital sex"kung saan ito ang nagiging dahilan kung bakit ang mga kabataan ay nasasangkot sa aborsyon dahil hindi pa nila kaya ang mga responsibilidad na maging isang magulang.Bilang isang tao tungkulin nating pangalagaan at respetuhin ang karapatang mabuhay ng bawat nilalang bigyan natin sila ng karapatang mabuhay sa anumang paraan na gusto nila.Tutol ako sa pagkitil ng buhay ng isang nilalang marahil marami ang hindi sasang-ayon sasabihin ng iba na ang pagkitil ng isang buhay ay para na rin sa kapakanan ng sanggol dahil kung wala namang magandang kinabukasan na naghihintay sa sanggol bakit pa ito kailangang dumanas ng hirap kung kayat tatangalan nila ito ng karapatang mabuhay. Unang-una hindi sila dapat pumasok sa isang bagay na hindi nila kayang dalhin kung inisip muna nila ang mga maaring mangyari hindi na nila kailangang gawin ang magpalaglag ng bata.Kung sana inisip muna nila ang maaring mangyari hindi sila hahantong o hindi sila mag-iisip na gawin ang aborsyon.Dahil ito nga ay labag sa diyos dahil ito ay pinahiram niya lang kung anong buhay ang mayroon tayo ngayon ito ay ibinagay niya lamang para gawin natin ang mga bagay na makapapapasaya sa ating kapwa.Kung kaya't dapat ng itigil ang ganitong gawain.Ang aborsyon ay parang isang lason na kung saan pinapatay ang isipan ng marami na bigyan ng karapatang mabuhay ng matiway ang isang nilalang.

 
At 3:57 AM, Blogger paninder pal gill said...

Paninder

Alam nating lahat na isang malaking malaking usapin sa simbahan at gobyerno ang aborsyon.Sari saring opinyon ang maririnig sa bawat indibidwal hinggil sa aborsyon. Kung ako bilang isang tao/babae ang tatanungin hinggil sa usaping ito...sumasang-ayon ako hindi dahil sa gusto kong kumitil ng buhay kundi dahil sa mga bagay na kakaharapin nito. Isipin na lang natin na kung ang isang babae ay ginahasa at ito nabuntis, sa kanyang pagbubuntis hanggang sa pagsilang ng bata ito ay kanyang kamumuhian, ano na lamang ang magiging kinabukasan ng bata, lalaki sya na puro galit ang makikita. Makakabuti rin ang aborsyon para sa isang babae na hindi pa handa sa responsibilidad, alam natin na mapusok na ang kabataan ngayon kung kaya't wag na nating dagdagan ng isa pang mabigat na suliranin ang isang babae kung ito'y hindi pa handa sa responsibilidad, kung kanyang itutuloy ang pagbubuntis may maibibigay ba syang magandang kinabukasan sa kanyang anak. ano ang maaasahan mo sa isang tao na hindi handa sa pagiging ina na hindi kayang maging ina at takot sa responsibilidad. Ang teknolohiya ngayon ay masyadong nang advance. Ang isang magiging ina ay nagpapa-check up, sa siyensya meron tayong tinatawag na genetic engineering sa pamamagitan nito makikita nang isang dalubhasa kung magiging isisilang na normal ang isang bata. Kung makikita ng dalubhasa na magiging abnormal ang bata, dapat na lamang na ipa-abort ang bata dahil kung itutuloy ito ng mga magulang magiging kawawa lamang ang bata,mahirap din para sa magulang kung makikita nilang hindi tanggap sa lipunan ang kanilang anak. At higit sa lahat karapatan ng isang babae ang mag desisyon para sa kanyang sarili, alam nya kung ano ang nararapat at nakabubuti para sa kanyang sarili. Anut'ano man ang maging desisyon ng isang babae hindi natin sila maaaring pigilan....maaari lamang natin ibigay ang ating suporta sa kanila.

2 Psychology
Paninder Pal K. Gill

 
At 3:57 AM, Blogger paninder pal gill said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 
At 4:05 AM, Blogger fayanne intal said...

Ako ay tutol sa aborsyon dahil bilang isang Katoliko naniniwala akong isang malaking kasalanan sa Diyos ito sapagkat ang aborsyon ay paglabag sa isa sa mga sampung kautusan ng Diyos na “Huwag pumatay”. Ang aborsyon ay isang uri ng pagpapatay dahil nang magkaisa ang binhi (sperm) ng lalaki at ang itlog (egg cell) na babae isang nilalang na bukod tanging walang katulad ang nabubuo sa sinapupunan at sa pagkakataong iyon buhay ay nagsimula na. Hindi dapat patayin ang sanggol dahil lahat ng tao ay may karapatang mabuhay. Isa talaga itong malaking kasalanan sapagkat naniniwala ako na ang ating buhay ay isang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa atin, at siya lamang ang may karapatang kumuha nito at wala nang iba pa. Ang aborsyon, sa aking opinion, ay isang immoral na gawain. Kung ang tao ay gumawa na ng isang pakakamali kaya siya nabuntis, hindi na dapat niya ito sundan ng isa pang pagkakamali. Kailangang harapin niya ang kapalit ng kaniyang ginawa. Hindi rin tamang ipalaglag o ipaabort ng isang ina ang kanyang anak dahil ang ina ay walang anumang karapatan sa katawan ng kaniyang anak sapagkat ito ay may sariling katauhan at isang kakaibang pagkatao na hiwalay sa kanya. Tunay na ang aborsyon o pag-agas sa bata ay karumaldumal. Hindi ito nararapat at kahit kalian ay hindi ako sasangayon dito.

fayanne intal
ii-psychology

 
At 3:38 AM, Blogger dee said...

Sa panahon ngayon, ang aborsyon ay nagiging uso na sa mga kabataan. Marami ang pabor dito sa paniniwalang ito ay isang praktikal na paraan lamang upang maituwid ang isang kamalian. Ang hindi nila alam ay ang magiging epekto pagdating ng panahon. Ako ay isa sa mga kabataang hindi pabor sa ganitong istilo ng pagiging praktikalidad. Ito ay mahihintulad sa isang krimeng pagpatay. Ito ay kasalanan sa batas at pati na rin sa panginoon. Kung ikaw ay nabuntis dahil sa isang pagkakamali tulad ng ikaw ay gahasain ito ay hindi isang matibay na rason upang sundan pa ito ng isa pang pagkakamali. Kung ikaw ay hindi pa handa maging isang ina, sa halip na ito ay ipaabort baket hindi na lang ito ay iyong ituloy at tanggapan at saka mo na lang ipaampon. Sa ganoong paraan, nakapagbigay ka pa ng saya sa iba. Ang pagkalooban ng panginoon ng pagkakataong maging isang ina ay isang biyaya. Biyayang dapat ay taos pusong tatanggapin.

 
At 4:47 AM, Blogger Lady Sauco said...

Hindi ako sangayon sa aborsyon dahil tao lamang tayo walang ayong karapatan pumatay ng kapwa natin tao. Kung ayaw natin magkaroon ng anak ng wala sa oras dapat hindi tayo gumagwa ng labag sa batas ng Diyos. Ang Diyos ang gumawa sa atin at siya laman ang may karapatan kunin ang buhay ng isang tao.
Kapag ang isang tao ay nagpa-abort, para rin siyang pumatay ng kapwa niya tao.
Kapag nagpa-abort ba ang isang tao, hindi ba siya makokonsensya sa kanyang ginawa? Habang buhay siyang guguluhin ng kanyang isip. Maski sabihin natin walang konsensya ang gumawa nito, imposibleng hindi niya ito maisip. Imposibleng hindi dumating ang panahon na hindi niya ito pagsisihan. At kapag dumating ang panahong iyon, huli na ang lahat. humingi man siya ng tawad sa Diyos at sa lahat ng tao, hindi na niya mababalik ang buhay na kanyang kinuha - ng kanyang pinatay.

-Lady Sauco

 
At 4:49 AM, Blogger Lady Sauco said...

Hindi ako sangayon sa aborsyon dahil tao lamang tayo walang ayong karapatan pumatay ng kapwa natin tao. Kung ayaw natin magkaroon ng anak ng wala sa oras dapat hindi tayo gumagwa ng labag sa batas ng Diyos. Ang Diyos ang gumawa sa atin at siya laman ang may karapatan kunin ang buhay ng isang tao.
Kapag ang isang tao ay nagpa-abort, para rin siyang pumatay ng kapwa niya tao.
Kapag nagpa-abort ba ang isang tao, hindi ba siya makokonsensya sa kanyang ginawa? Habang buhay siyang guguluhin ng kanyang isip. Maski sabihin natin walang konsensya ang gumawa nito, imposibleng hindi niya ito maisip. Imposibleng hindi dumating ang panahon na hindi niya ito pagsisihan. At kapag dumating ang panahong iyon, huli na ang lahat. humingi man siya ng tawad sa Diyos at sa lahat ng tao, hindi na niya mababalik ang buhay na kanyang kinuha - ng kanyang pinatay.

-Lady Sauco

 
At 1:24 AM, Blogger christine_leelian said...

Christine Leelian Said:

Thank you so much for the lessons.It was a great help for me to know the history of ancient education and their contribution to our modern world. I believe it's through them we owe so much of the achievements we have right now. Knowing their importance is simply means valuing education.I hope as we internalize our lessons may I also be an active participant in deepening the contents to understand fully the things which is very hard to ignore for they are so rich and helpful in preparing my future.

 
At 1:36 AM, Blogger Jacky Lou said...

Marami akong natutunan sa Retorika at lang lahat ng ito ay dahil kay Doc de Vera dahil siya ang nagturo sa akin! Unang-una, natuto akong gamitin ang bawat oras para sa mga importanting bagay. Pangalawa, nahubog ang aking pagkamakata dahil noon kulang ako ng lakas ng loob na gumawa ng tula. Pangatlo, ang pagiging maunawain sa mga estudyante dahil pinadarama ni Doc de Vera sa amin ito. Pang-apat ang pagiging isang tunay na Paulinian at Kristiyano sa kapwa hindi lang sa salita kundi pati na rin sa gawa dahil si Kristo ang sentro ng buhay ko. Inialay ko lahat kay Kristo ang lahat sa akin at baling araw ako ay puno ng pag-asa na makatulong ako hindi lamang para sa aking pamilya kundi pati na rin sa lahat ng nangagailangan!
Maraming salamat Doc de Vera!

 
At 7:18 PM, Blogger sharlene said...

sang-ayon akokung makatwiran at legal ang dahilan dahil mas mahirap pag marami tayong nakikita na mga batang sobrang naghihirap.

 
At 5:37 AM, Blogger maryanfeigz said...

Ang aborsyon ay isa sa mga isyung talaga namang kapag narinig mo e..mapapa-isip ka..alin nga ba ang tama?, alin nga ba ang dapat?
bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang paniniwala..may kanya-kanyang way of reasoning, at aminin man natin o hindi we most often based what we believed to be right on this "way of reasoning"..We actually convinced people on our thoughts by mere reasoning.
I believe in the bible..i've read HIS commandments for so many times,it is commandeth that we shalt not kill.,so as the church were against in all along,but then what the bible says are all rationalizations and metaphors na ganito lang kababaw nating titingnan?wala tayong karapatan humusga sa iba?we maybe god's of ourselves but we can never be as God himself..He knows everything.higit kanino man, SIYA lang ang may karapatang humusga sa atin'.,naniniwala din ako na walang bagay na meron dito sa mundo na hindi nya ginustong magkaroon dito.na walang approval niya..even satan won't be here in this earth without his permission..He can have satan go back to hell whenever HE wanted.HE is GOD,the most powerful.but HE didn't.,ever wonder why? :)
.....................
way back on the topic..still isa ako sa mag sumasang-ayon.bakit?
chances are inevitable.madaling magsalita,madaling maghusga..pero mahirap umintindi sa sitwasyon lalo na't wala tayo sa posisyon nila.sabi nga.."only a hungry man will truly appreciate a loaf of bread"
oo, madaling magdahilan..madaling lumusot kung gugustuhin mo..,but then its more than words-you could feel how worst the situation maybe.
as a parent or soon to be..you always want the best for your child.but in circumstances hindi mo magagawa kasi you're not prepared.pagsisihan mo man to'..alam mong huli na.sabihin mo mang sana mas nag-isip ka at hindi mo sana nagawa yon..,there's no use.nangyari na eh..kung ang broken family nga eh..isa ng napakalaking burden sa bata..lalo pa ang malaman niyang anak siya sa pagkadalaga, or worst..anak siya sa labas.

 
At 6:06 AM, Blogger badboy said...

badjao man diay ng mama

 
At 10:38 PM, Blogger manyak said...

hello 2 all i just want 2 said that i agree wath the aborsyon.............NO COMMENT'z heheeheheheheheeheheheheehehehehe!


Suggest wih my frend:
magpakamatay siya para safe ang bata at pati narin ang bata..ohh db solve....! hahahahahahaha!

 
At 3:02 AM, Blogger mikan said...

hindi ako sumasang ayon sa aborson. ang isang babae ay hindi kinakailangang dumaan sa prosesong ito kung ang nais lang naman niya ang ang pagtakas sa kanyang responsibilidad. kahit ang anak sa pagkakasala ay hindi dapat pagkaitan ng buhay pagkat hindi naman ito kasalanan ng bata. marahil ay may purpose ang diyos kung bakit siya binuhay kahit anak lang siya sa pagkakasala. kung nag isang ina naman ay nasa kritikal na kalagayan at ang bata ay nasa sinapupunan niya, sariling makatwirang desisyon na lamang ng ina ang kanyang dapat gawin. pero kung ako sa kanya, mas nanaisin ko pang buhayin ang aking anak para naman maranasan niya nag mabuhay. walang sinuman sa atin ang may karapatang kumitil ng buhay pagkat ang nag iisang diyos lamang ang may karapatan sa pagbawi ng buhay ng isang tao.

 
At 3:12 AM, Blogger mikan said...

hindi ako sumasang ayon sa aborson. ang isang babae ay hindi kinakailangang dumaan sa prosesong ito kung ang nais lang naman niya ang ang pagtakas sa kanyang responsibilidad. kahit ang anak sa pagkakasala ay hindi dapat pagkaitan ng buhay pagkat hindi naman ito kasalanan ng bata. marahil ay may purpose ang diyos kung bakit siya binuhay kahit anak lang siya sa pagkakasala. kung ang isang ina naman ay nasa kritikal na kalagayan at ang bata ay nasa sinapupunan niya, sariling makatwirang desisyon na lamang ng ina ang kanyang dapat gawin. pero kung ako sa kanya, mas nanaisin ko pang buhayin ang aking anak para naman maranasan niya ang mabuhay. walang sinuman sa atin ang may karapatang kumitil ng buhay pagkat ang nag iisang diyos lamang ang may karapatan sa pagbawi ng buhay ng isang tao.

 
At 4:42 AM, Blogger bOb Ong said...

sang-ayon ako!

 
At 6:06 AM, Blogger ~elmz~ said...

sang-ayon din ako sa lahat ng inyong opinyon,,,hindi makabubuti na ipalaganap ang aborsyon dito sa atin...

 
At 8:38 PM, Blogger Marvin said...

sa akin opinion, hindi ako sang ayon.. una sa lahat ang bawat buhay specialy pag nabuo na yan.. gift ni God yan.. ang ang ating blessing ay ng gagaling sa kanya.. we cant live without God.. kya lahat ng ngyayari ay my dahilan.. my ngsasabi nga na kung bata ka pa na magbubuntis hindi maalagaan ng maayos.. lahat my paraan.. lahat naman my problema my pagsubok, hindi mawawala yan kasabay na yan,, but it will make you stronger day by day,, pag pinahalagan nyo ang buhay,, God will bless you even more abundantly.. malay nyo ang pinagbubuntis nyo my 1 billion pla ang katapat magiging doctor, engr.. kz galing ky God yan.. and All things are possible through christ.. walng imposible.. laht magagawa mo yan..

 
At 7:16 PM, Blogger 2ndyR nUrsinG stuDent said...

Hindi ako sumasangayon sa aborsyon sapagkat alam naman nating lahat na ito ay MALAKING kasalanan. Sa kapwa tao at higit sa lahat ay sa Maylalang. Siya lamang ang may karapatang bumawi sa buhay na Siyang nagbigay. Ang aborsyon ay isang uri ng pagpatay. At ipinagbabawal ang pagpatay kahit saang batas. Lalo na sa mga batang wala namang malay. Mas masakit pa ito kung ito ay gagawin natin sa ating sariling anak. Sila ay dugo at laman natin, sila ay marapat alagaan at mhalin, hindi PATAYIN. Hindi marapat maging legal ang aborsyon, kundi dapat parusahan ang mga lumabag sa batas na ito. Sila ay dapat parusahan gaya ng pagpaparusa sa mga taong kumitil din ng buhay. Para naman sa mga taong may madilim na kahapon, na nagbunga sa kanilang sinapupunan, marapat na ipaubaya na lamang nila sa Diyos na Maylalang ang lahat ng bagay. Paniguradong hindi sila pababayaan Nito, at may magandang bukas ding naghihintay sa kanila.

 
At 4:53 PM, Blogger franz czedrick said...

i strongly agree!! gentlemen and ladies magisip tayo,kaya tayo hindi umaasenso eh dahil sa laki ng populasyon ntin. kelan ntin maiisipang gawin to?kng huli na ang lahat? iniisip nyo kasi palagi eh imoral ang aborsyon. dahil ba ang diyos lang ang may karapatan na bumawi ng buhay?? what if god will make us as his instrument para bawiin ang buhay ng isang tao na produkto ng maling panahon?? alam nyo mas masakit marinig mismo sa anak nyo na sabihin nyang "hindi mo nalang sana ako hinayaang mabuhay nung nsa sinapupunan pa lamang ako kng hindi mo rin lang ako mabibigyan ng magandang kinabukasan kasi pabigat lang ako sa inyo at maging sa boung mundo." gentlemen and ladies, premarital sex is not immoral,even the law says it. and it is inevitable for us not to commit this premarital sex.lets not think of the absolute point of view of doing bad acts but on the point of view on its consequence.

 
At 6:22 PM, Blogger krister llona said...

hindi ako sang-ayon dahil ang aborsyon ay hindi solosyon sa problema dahil masama ang pumatay ng isang buhay ,dahil ang buhay ay mahalag .

 
At 6:23 PM, Blogger krister llona said...

hindi ako sang-ayon dahil ang aborsyon ay hindi solosyon sa problema dahil masama ang pumatay ng isang buhay ,dahil ang buhay ay mahalag .

 
At 7:05 PM, Blogger pumbaya12 said...

thanks sa lahat ng mga reactions niu,, natulungan ako nito kac mag-de-debate kami tungkol sa abortion tapos PANIG ako..huhuh,,mahirap kac ang panig,,tinatama moh ang mali..pak... thank you very much psych students!! >3

 
At 3:36 AM, Blogger jhaey_twelve said...

..hayy tnx sa mga comment nio..my debate kse kme about sa aborsyon at panig ang nbunot nmin..hirapo pa nmn nun,,

 
At 4:54 AM, Blogger yannahlouissereyes said...

im agree sa aborsyon kasi its better na hindi mo n ilabas ang bata kung hndi mo naman ito mhal at phijirapan mo lang ang bata n iyon..

 
At 4:56 AM, Blogger yannahlouissereyes said...

i agree

 
At 7:24 PM, Blogger Roxie Maranan said...

cathy said....
tnx for the info!!
may talumpati kc aq tungkol sa abortion eh..it helps a lot:D

 

Post a Comment

<< Home